Royale Tabs

About US




Hello!! We are glad to have you here. Welcome to our blog. Thank you for dropping this page. 

I am Rio Liza Oliva, 22 years of age, isang Administrative Staff ng PSALM (Power Sector Assets and Liabilities Corporation) in Makati City. Ang Partner ko naman ay si Michael Bulos, isang Certified Public Accountant and Auditor ng RCBC (Rizal Commercial and Banking Corporation) sa Makati. Galing kami ng Catbalogan City, in other words, taga Samar po kami. Kami din ang author and owner ng blog na ito. Kaya keep reading this page para malaman mo tungkol sa amin :)

 Pareho kami empleyedo ni Mike sa Makati. I bet you already know the life of being an employee. As usual, gigising at papasok ng maaga at kung minsan ay nakikipaghabulan at nakikipagsiksikan sa bus o jeep papuntang Ayala Avenue sa Makati para lang hindi ma "late". Doon kasi office namin at nakatira kami sa  isang apartment sa Manila malapit sa Morayta. Mahirap talaga ang buhay empleyado. Minsan pinepressure ka ng boss mo, minsan papagalitan pa, minsan kakasweldo mo palang tapos kinabukasan, magtitipid kana kasi hindi na rin aabot sa next na swelduhan nyo.. Ganyan ang buhay empleyedo, paikot ikot lang. Mahirap. 

Isang bagay na realize namin. Akala namin, porket tapos na sa college ay ok na. pag magkaroon ng ok na job ay ok na din, yun pala ay Hindi! Mabagal ang asenso kung empleyado ka lang. Nangarap kami ni Mike sana, hindi pa aabot ng 30 years old ay retire na kami. May mga business na kami. May Financial and Time Freedom wherein hindi ka na nag ttrabaho para sa pera at ikaw na mismo nag dedesisyon sa oras mo. Gusto namin umasenso kaagad. Alam namin medyo imposible, pero dahil sa nag babasa kami ng mga books ni Robert Kiyosaki, Kim Kiyosaki, Bo Sanchez, Larry Gamboa, at iba pa. nagkaroon kami ng ideas na posible pala maabot ang pangarap na iyon! So We decided to start a small business. Kahit practice lang muna.. hehe

It was December 2014 na habang nag bbrowse kami ng Internet, may nakita kaming business opportunity na pwede magbago buhay namin as employee and dun namin nakita na posible pala maabot pangarap namin ni Mike. Dyan Dumating si Royale sa amin. Bakit kami sumali sa Royale??? Simple lang... Madami kaming matututunan sa pag business, madaming trainings, may madedevelop sayo na mga skills na kailangan pag mag business ka, dadami ang kilala mo, new friends, new business partners with same interest and dreams. Kaya na fefeel namin dito na eto na yung magiging daan to become successful sa business.

Expectation to this blog??? We will share to you valuable information regarding Wealth, Health, Business Skills, Product Information, our Personal experiences, Tips, etc. Our goal is to make you satisfy and happy as blog visitor, as future customer or even future business partners. :) 

We will keep you updated once you subscribe in our blog... Happy Reading!













No comments:

Post a Comment